Optometrist binaril ng ‘kostumer’, dedbol

TODAS ang isang Optometrist makaraang barilin ng hindi nakikilalang lalaki na nagpanggap na kostumer sa Quiapo, Manila.
Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Carlos Lalaguna, negosyante ng Tandang Sora Avenue, Quezon City at may klinika sa Quezon Boulevard sa Quiapo.
Inilarawan naman ang suspek na nasa edad 40-45, 5’6” ang taas, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng surgical mask nang isagawa ang krimen.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Julius dela Cruz, nangyari ang insidente alas-4:30 ng hapon sa loob ng klinika ng biktima.
Nagpanggap na kostumer ang gunman at hinihintay umano nito ang kanyang asawa hanggang sa sinamantala ang pagbusisi ng biktima sa mga salamin sa mata at patraydor itong binaril.





Comments