Mag-utol na tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Feb 22, 2019
1 min read
NAGA CITY—Nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation ang magkapatid na drug pusher, kamakalawa sa Bgy. Mabolo sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Richard, 35-anyos at Ryan Morano, 29, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang magkapatid na Morano na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments