top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung mayroong batas upang labanan ang money laundering sa mga casino

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Nababahala ako sa dumara­ming casino sa bansa. Batid kong maaari itong magamit para sa money laundering ng mga masa­samang-tao. Nais kong malaman kung mayroon ba tayong batas upang labanan ang money laundering sa mga casino? — Kasyano

Dear Kasyano,

Para sa inyong kaalaman, ang bawat casino ay kasama sa mga covered person pagdating sa pagtutupad ng Republic Act (R.A.) No. 9160 o ang “Anti-Money Laundering Act of 2001”. Ito ay alinsunod sa R.A. No. 10927 na may pamagat na “An Act Designating Casinos as Covered Persons Under Republic Act No. 9160, otherwise known as the “Anti-Money Laundering Act of 2001”. Ayon sa Section 1 ng nasabing bagong batas:

“SECTION 1. Section 3(a) of Republic Act No. 9160, as amended, is hereby further amended to read as follows:

“(a) ‘Covered persons’, natural or juridical, refer to

“x x x”

“(8) Casinos, including internet and ship-based casinos, with respect to their casino cash transactions related to their gaming operations. [Binigyang-diin]

“x x x”

Samakatwid, malinaw na dahil kabilang sa mga covered person ang mga casino pagdating sa pagpapatupad ng Anti-Money Laundering Act, maaaring maging bahagi o sakop ito ng proseso sa pag-freeze ng mga monetary instrument na may kinalaman sa mga iligal na gawain.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisa­laysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page