top of page
Pokwang.jpg

Kandidato bawal sa graduation, dapat lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2019
1 min read

DUMARAGSA ang mga obrerong Tsino sa Pilipinas.

Ganyan din noong “peace time” bago giyerahin ng Japan ang Pilipinas.

Dumami muna ang sorbete­rong Hapones!

◘◘◘

PABIBILISIN daw ang paglilinis sa Manila Bay.

Paano kaya ito maire-claim nang mabilis?

◘◘◘

PINAGBIBITIW ang chairman ng National Youth Commission.

Siya ang dakilang sipsip!

◘◘◘

PINAHABA na ang araw ng maternity leave.

Marami na ang muling mabu­buntis!

◘◘◘

AYON sa lider ng Radio Veritas, alipin pa rin ng korupsiyon ang bansa kahit wala na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

May sumigaw sa likuran, “mas naging grabe pa”!

◘◘◘

ILALABAS na raw ang listahan ng mga narco politician.

Mainam naman!

◘◘◘

IBINABALA ang matinding tagtuyot ngayong panahon ng kampanya sa 2019 Midterm Elections.

Puwede nang mangampanya kahit sa mga bukirin na walang tubig ang pitak!

◘◘◘

NEGATIBO sa MERS-CoV virus ang isang OFW mula sa Middle East.

Sana totoo ang balita!

◘◘◘

BAWAL maging guest speaker sa graduation ang mga kandidato.

Dapat lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page