IMPORT WILSON AT PAAT, BIDA SA HD SPIKERS VS. FIBR


BINALIKAT nina Import Erica Wilson at local star Mylene Paat ang laro nang walisin ng Cignal ang PLDT Home Fibr, 25-22, 27-25, 25-19 para sa unang panalo sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre. Matikas ang porma ni Wilson sa tinapos na 21 puntos, 15 kills at 5 service aces at block para sa HD Spikers na nakabawi mula sa malamyang simula sa prestihiyosong women’s club tournament na isinasaere ng ESPN5 at 5 Plus.
Nakagawa si Paat, ang national team mainstay ng 12 spikes, 5 blocks at pair of aces sa 19 points habang sina Rachel Anne Daquis at Anastasia Artemeva ay may 9 at 5 puntos. “We adjusted Ana‘s position. At first she was hesitant, but she was very professional and did her best and followed my instructions,” ayon kay Cignal head coach Edgar Barroga, na inilagay ang Azerbaijani guest player sa middle spot upang mapalaki ang espasyo ni Paat kontra opposite. “For Erica, I don’t have any problem because she will always do what she has to for the team.” Binura ng HD Spikers ang 7-11 deficit sa third set nang magpakawala ng 6 straight points sa 13-11 turn bago nadikitan ng PLDT sa 3 puntos, 22-19. Sumaklolo agad si Paat sa isang malakas na hataw at back-to-back aces para iselyo ang panalo.
Nakaalagwa si Lazard ng 15 points habang si import Kendra Dahlke at Shola Alvarez ay may 8 at 7 marka para sa PLDT na naiiwan sa 0-2 win-loss card. (VA)





Comments