top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iibig pa ba ako? ni: Joboy

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2019
1 min read

Iibig pa ba ako, matapos ang kabiguang ito?

Iibig pa ba ako, kahit walang ibang katulad mo?

Iibig pa ba ako?

Sangkalawakan, sagutin mo ako!

Iibig pa ba ako, kung hindi ikaw ang iibigin ko?

Pero kahit ganu’n, ipagpapatuloy ko pa rin ito.

Magiging matulungin at mabuti pa rin akong kaibigan sa iyo.

Kahit na, ang inaasahang tamang panahon ay hindi pa ito.

Uukitin ko pa rin sa puso ko ang magandang pangalan mo.

Tunay na pag-ibig ay muli mo sanang paniwalaan.

Mula sa mga sugat na sana ay maghilom na.

Pagmamahal sa sarili ay iyong maramdaman.

Ang panalangin ko sa Diyos, ikaw ang palaging inuuna

Sarili mo ay huwag kasuklaman dahil para sa akin ay anghel kang nilalang.

Isang diwata, mula sa loob hanggang sa labas ay puno ng kagandahan.

Huwag ka nang umiyak at mag-alala, dahil minamahal ka.

Hanggang sa huling segundo, ang sambit ko ay mahal kita.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page