top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Huli sa akto | PULIS, 1 PA TIKLO SA SHABU

Maeng Santos
Feb 22, 2019
1 min read

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang dating pulis ang naaktuhan ng kanyang dating mga kabaro na nag-aabutan ng shabu sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas Maritime Police Station Supt. Virgil Ranes ang mga naaresto na sina Ferdinand Raguin, 51, dating police at Jerry Aspe, 42, kapwa ng Bgy. NBBN.

Ayon kay SPO2 Ernesto Ravanera, Jr., ala1:15 ng hapon, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangunguna nina SPO2 Manny Vidal, PO3 Oldarico Quinabato, Jr., PO3 Jacinto Gammad, Jr., PO1 Ariel Bustillo, PO1 John Jeffrey Tristan, PO1 Nikki Pepito, PO1 Christian Cresencio, PO1 Ilouie Demdam at PO1 Kevin Tan sa kahabaan ng Palengke St., Bgy. NBBN nang maaktuhan ang isang lalaki na may iniaabot na plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isa pang lalaki.

Nilapitan ng team ang mga suspek saka inaresto at nang kapkapan ay nakumpiska sa mga ito ang limang plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page