top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit ng NYC na bawian ng scholarship ang mga estudyanteng anti-gov't., panira kay P-Digong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2019
  • 2 min read

KUNG TOTOONG MARAMING HAPPY SA DRUG WAR, DAPAT PASOK SA SURVEY SI GEN. ‘BATO’—Kung totoo ang survey ng SWS na 66% Pinoy ang natutuwa dahil nabawasan na ang mga drug addict sa bansa dahil sa “drug war” ni P-Duterte, dapat pasok sa Top 12 senatorial survey ng SWS si ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil siya ang namuno sa “giyera kontra droga” ng gobyerno.

Dahil d’yan, luma­labas na kuwestiyunable ang mga naglalabasang survey sa senatoriables kasi ‘yung mga walang kinalaman sa “drug war”, sila pa ang mga pasok sa Top 12 at ‘yung namuno sa “giyera kontra droga” na si Gen. “Bato”, siya pa ang laglag sa SWS survey, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

GOOD NA SANA KASO NAGING BAD NA NAMAN ANG DUTERTE GOV’T. DAHIL SA KAGA­GA­WAN NI NYC CHAIRMAN CARDEMA—Good na sana ang tingin ng publiko kay P-Duterte dahil sa rami ng mga bagong batas na inaprubahan nito para sa kapakina­bangan ng mamamayan kaya lang naging bad na naman dahil sa hirit ni National Youth Commission (NYC) Ronald Cardema sa pangulo na tanggalin na bilang mga “Iskolar ng Bayan” ang mga estud­yanteng nagpoprotesta laban sa mga maling polisiya ng gobyerno.

Dahil d’yan, ‘yung mga papuri kay P-Duterte ay napalitan na naman ng pambabatikos dahil sa kanyang gobyerno nag-boomerang ang sablay na statement ni Cardema laban sa mga “Iskolar ng Bayan,” boom!

◘◘◘

DAPAT MAG-RESIGN NA SI NYC CHAIR­MAN CARDEMA—Hindi lang taumbayan ang nagalit sa sinabi ni Cardema na tanggalin na bilang “Iskolar ng Bayan” ang militanteng estudyante kundi pati ang mga senador, kongresista at mga taga-Malacañang.

Sa rami ng nagagalit kay Cardema, ang dapat niyang gawin ngayon ay mag-resign na sa puwesto at huwag nang magkapit-tuko sa po­sisyon, period!

◘◘◘

TANGGAPAN NI CAVITE PNP DIRECTOR SEGUN, GINA­GAMIT SA RAKET—Nag-iikot din daw sa mga iligalista sina “Francisco” at “Rodulf” para ipang­hingi ng “tongpats” ang tanggapan ni Cavite PNP Director Sr. Supt. William Segun.

Naku, sa lahat ng ayaw ni Sr. Supt. Segun ay ‘yung ginagamit sa raket ang kanyang tang­gapan kaya malamang, may “pagla­lagyan” ang dalawang “tongpats” collector na ito, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page