top of page
Pokwang.jpg

DELIKADONG KALABAN NI PACMAN SI SPENCE

MC / Alvin Olivar
Feb 22, 2019
2 min read

Naghahamon ng laban si IBF welterweight champion Errol Spence Jr. kay WBA regular champion Manny Pacquiao at sa Pilipinas daw gawin ang kanilang bakbakan.

Pero ayon sa opinyon ni Brian Mazique ng Forbes malaking atraksiyon ang laban sa PPV pero dapat mag-ingat si Pacman sa ganitong senaryo.

Bagamat siya ang itinuturing na blockbuster king miyembro rin siya ng PBC 147-pound stable na wala pang mga laban sa fighters ng grupo.

Kawawagi lang niya sa unanimous decision kontra Adrien Broner noong Enero at iyon ang lalong nagpabango sa pangalan ni Pacman kaya naging interesado si Spence bagamat may laban siya sa undefeated pound-for-pound challenger na si Mikey Garcia sa Marso. Si Pacman ang dapat na pumili ng makakalaban tulad ng ginagawa ni Floyd Mayweather dahil 40-anyos na siya at bilang na ang mga panahon niya sa sport. Mas mainam na piliin niya ang laban na mas malaki ang bayad kaysa ang masaktan siya. Si Spence, 28-anyos, undefeated at hinog ang career. May taas an 5’9" at mas mataas sa 5’5" na si Pacman.

Hindi mainam na harapin siya ni Pacman lalo na kung nais ng Pinoy na maka-rematch si Mayweather. Kung matalo siya kay Spence, delikado at iyon ang dapat iwasan ni Pacman. Habang hindi pa naman kumpirmado, ayos lang ang paglagda ni Pacman sa PBC para sa big-money fight kay Floyd. At kung iyan ang nais ni Pacman, huwag nang kasahan si Spence at baka madale siya ng bata. Paano kung matalo siya ni Spence, delikado. Hawak ni Pacman ang 8-division world c’ship at masarap isipin na madagdag ang IBF title pero mas mainam pa ring hindi kumawala ang pinansiyal na kikitain at walang peligro sa kalusugan kung si Mayweather ang kakasahan. Pero kung kakasa siya kay Spence at matalo bago pa man ang Mayweather, bomalabs na ang MayPac 2.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page