top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayuda ng gobyerno para sa mga nai-relocate sa resettlement site, alamin!

  • Alvin Feliciano
  • Feb 22, 2019
  • 1 min read

ALVIN FELICIANO / PAG-ASA NG MASA

BUKOD sa mga tinalakay nating three priority programs ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), patuloy pa rin tayong nagbibigay ng iba pang ayuda sa mga kababayan nating nailipat ng bahay na dating naninirahan sa tinatawag na danger zones at waterways.

Para sa ating kaalaman, ang PCUP ay binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kapangyarihan upang pangasiwaan ang Interim Shelter Fund para sa proyekto nitong Oplan Likas Program kung saan bibigyan ng Php 18,000 ang mga kuwalipikadong benepisaryo.

Layunin ng nabanggit na programang bigyan ng financial assistance ang mga kababayan nating nai-relocate sa mga resettlement site sa probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna upang makapagsimulang muli.

Tanong: May financial assistance ba kaming makukuha sa PCUP?

Sagot

Tulad ng nabanggit natin kanina, ang mga kababayan nating dating nakatira sa waterways ay kuwalipikadong benepisaryo ng Interim Shelter Fund na nagkakahalagang Php 18,000.

Patuloy tayong magbibigay ng direktang serbisyo para sa mga maralitang Pilipino at sa katunayan, sa darating na katapusan ng Pebrero at unang linggo ng Marso, ilang mga resettlement site sa Bulacan at Rizal ang nakatakdang mabibigyan ng Php 18,000 mula sa naturang proyekto.

Samantala, nasa 800 indibidwal naman ang nabiyayaan ng kaparehong programa nitong nakaraang taon at tinatayang nasa 10,000 katao pa ang inaasahang makatatanggap nito sa mga susunod na buwan.

Sinisikap naman ng PCUP na ayusin at pabilisin ang pagsasaayos ng iba’t ibang dokumento upang maipamahagi agad sa iba pang benepisaryo ang ayudang ito.

Muli, ang PCUP ay kabalikat ng maralitang Pilipino. Patuloy itong magbibigay ng direktang serbisyo upang maramdaman ng tao na maaasahan nito ang pamahalaan upang makawala sa kahirapan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page