Wa' raw 'K' gumanap na Catriona… SIGAW NG NETIZEN: MAYMAY, HITSURANG TSIMAY


Maraming netizens ang nagkomento sa diumano’y napipintong pagganap ni Maymay Entrata sa life story ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa MMK. Hindi raw bagay kay Maymay na i-portray ang isang beauty queen dahil sabi ng netizen na si Melo ng Punta, Sta. Ana, Maynila, “Ang layo naman ni Maymay kay Catriona. Si Catriona, Ms. Universe, si Maymay, hanggang artista lang, at saka mukhang tsimayin,” malupit na komento ni Melo.
Kaugnay nito, sa preskon ng Familia Blondina, sinagot ni Kira Balinger ang tanong kung gusto niyang maging beauty queen tulad ni Miss U Catriona Gray?
“Opo, I love it, isa ‘yun sa mga dreams ko,” sey ng batambatang artist ng Star Magic.
Kasunod nito, nagbigay ng reaksiyon si Kira sa mga nagsasabing puwede siyang gumanap bilang Catriona sa Maalaala Mo Kaya.
“Ako, I’m very flattered to hear things like this na I’m fit to play this role. Kasi ako, I see myself, I’m a nobody right now. I have such a long way to go in this industry, so much that I have yet to learn,” sabi ni Kira.
Hindi pa man kumpirmado kung magkakaroon ng Catriona Gray life story para sa MMK, tatanggapin daw ito ni Kira kung sakaling magkakaroon sa kanya ng offer.
“Yes, I would gladly accept it, it’s bad to say no to work.
“I would really love this, that they want me to portray her story. Eh, ako, I really wanted to be a beauty queen, so maybe I can get a taste of what it’s like,” dagdag ni Kira na inamin ding may plano siyang sumali sa beauty pageant sa hinaharap.
“They haven’t said that I looked like her directly. But they said that I was a bit… (can) play the role. Nahiya ako bigla,” pahayag ng aktres.
Una nang ibinahagi mismo ni Catriona Gray sa PUSH na kung sakali ay pipiliin nito si Maymay Entrata na gumanap ng kanyang life story sa naturang programa.
Para kay Kira, hindi magiging isyu kung si Maymay naman ang mapipili para sa role ng beauty queen.
“If Maymay does get the role, I would be more than happy for her. It’s still work, and I know that Maymay will always do her best,” sabi ni Kira.
Isa si Kira sa mga cast members ng Familia Blondina na pinagbibidahan ni Karla Estrada.





Comments