Tumawid na aso nasagasaan, motor sumalpok | MAG-ASAWA LASOG SA VAN

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang mag-asawa makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa pick-up van kamakalawa ng hapon sa San Juan, Ilocos Sur.
Nakilala ang mga biktima na sina Abel at Jay Andayo, kapwa nasa hustong edad, naninirahan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, bandang hapon nang binabaybay ng mag-asawa ang provincial road ng nabanggit na lugar lulan ng motorsiklo nang may tumawid na aso.
Hindi na nakontrol ang manibela ng mister nang masagasaan nito ang aso dahilan ng pagsalpok nila sa kasalubong na van na minamaneho ng isang babae.
Sa lakas ng pagkakasalpok, halos madurog ang mga katawan ng mag-asawa kung saan hindi na sila umabot ng buhay sa pagamutan.
Nasawi rin ang asong nasagasaan ng mga ito at sugatan ang drayber ng van.





Comments