top of page
Pokwang.jpg

THIRDY RAVENA, IDINAGDAG SA LINE-UP NG GILAS PILIPINAS

Alvin Olivar
Feb 21, 2019
1 min read

NAKASAMA sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa darating na laro kontra Qatar sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers si Thirdy Ravena ng Ateneo. Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Qatar sa Biyernes, Pebrero 22, alas-12 ng hatinggabi sa Qatar kung saan nangangailangan ng panalo ang pambansaang koponan dahil sa kanilang 5-5 na kartada.

Makakasama ni Ravena sina naturalized player Andray Blatche, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Mark Barroca ng Magnolia, Jayson Castro ng TNT, Poy Erram ng Blackwater, June Mar Fajardo ng San Miguel, Marcio Lassiter ng San Miguel, Paul Lee ng Magnolia, Gabe Norwood ng Rain or Shine, Troy Rosario ng TNT, at Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama sa final 12 ang isang amateur player sa Gilas Pilipinas sa pamumuno ni Yeng Guiao. Si Ravena na galing sa pagkapanalo ng finals Most Valuable Player para sa Ateneo sa Season 81 ng UAAP na nauna nang sinama ni Guiao sa 15-man pool ng koponan.

Naging impresibo ang ipinakita ni Ravena sa tune-up game laban sa Meralco Bolts noong nakaraang linggo pagkaraang gumawa ng 5 points sa maikling oras na kanyang nilaro sa court. Bago makasama si Ravena sa line-up ay kinuha ni Guiao sina Kobe Paras, Ricci Rivero at Kai Sotto ngunit hindi sila pinalad na makasama sa final 12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page