Palasyo, to-the-rescue sa mga scholar na nagra-rally


HINDI pa man umuusad, sopla na!
Ayon sa Malacañang, hindi basta-basta mangyayari ang inihihirit na bawiin ang scholarship ng mga estudyante na nakikibahagi sa kilos-protesta.
Matatandaang, nanawagan si National Youth Commission Chair Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang scholarships ng mga umano’y ‘anti-government scholar’ na maituturing din aniyang ‘rebellious’.
Bilang tugon, ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, hindi sapat na basehan para bawiin ang scholarship ng isang mag-aaral, ang pagiging miyembro nito sa mga grupong kritikal sa pamahalaan.
Malinaw na bahagi ng ‘freedom of expression’ at ‘right to peaceably assemble’ ang pagsali sa mga anti-government rally.
Kung may ‘legal grounds’ tulad ng rebellion at sedition, ‘yan puwede.
At dapat ding maunawaan ng mga mag-aaral na kasabay ng paggalang ng gobyerno sa ating karapatan na magpahayag ng ating damdamin ay ang pagsunod din sa batas kaugnay nito.
Malaya tayong magmartsa, sumigaw at manawagan subalit, iwasan natin ang dalawang bagay, ang makapanakit at masaktan.
At habang nasa kalsada, huwag din nating kalimutan ang ating mga obligasyon.
Tayo pa rin ay mga anak at mag-aaral na inaasahan ng ating mga magulang at ng bayan.





Comments