MOMENTUM NG BLAZE SPIKERS AT CARGO, KAYA BANG TIBAGIN?


PANGALAWANG diretsong panalo ang pakay ng Powerhouse Petron at F2 Logistics sa sandaling sumagupa na sila sa magkakaibang kalaban sa Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa FilOil Flying V Centre.
Haharapin ng Blaze Spikers ang Generika-Ayala ng 7 p.m. habang makakapitpitan ng Cargo Movers ang Sta. Lucia ng 4:15 p.m. opening encounter ng nakaka-excite na triple-header na isinasaere ng ESPN5 at 5Plus.
Sa bisa ng husay nina super imports Stephanie Niemer at Katherine Bell, maganda ang naging simula ng Blaze Spikers nang tigpasin ang PLDT Home Fibr, 25-19, 25-9, 25-10 sa unang laro sa import-flavored conference ng prestihiyosong liga na ito.
Pero hindi minamaliit ni Petron coach Shaq Delos Santos ang Generika-Ayala Lifesavers. “It’s going to be a tough game, their spikers, both the imports and the locals, are really good,” aniya dahil may kakayahan din ang Lifesavers na magwagi kahit isa lamang ang import nito at wala ang injured na si Brazilian Nikolle Del Rio. “They might play with just one import but we will expect and prepare for two foreign players.”
Na-injured si Del Rio nang magtamo ng sprained ankle kontra Sta. Lucia noong Sabado.
Sinabi ni Lifesavers coach Sherwin Meneses kahit wala si del Rio maaasahan aniya ang kanyang local crew na sina Marivic Meneses, Fiola Ceballos at Patty Orendain upang matulungan si Kseniya Kocyvit sa scoring load. “We’re one import down and I need them (locals) to step up their game,” aniya at idinagdag na sina Niemer at Bell ay makakaasa ng suporta mula kina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas at Frances Molina. Sa kabilang banda, umaasa ang F2 Logistics sa magandang momentum kontra Sta. Lucia sa opener.
Isang import lamang ang lalaro sa Cargo Movers sa katauhan ni American Rebecca Perry dahil sa Linggo pa darating si Lindsay Stalzer mula sa paglalaro sa Indonesian Proliga.
Pinuntusan ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus ang halaga ng laro ng kanyang mainstays. “It’s good that we survived this game but what’s important is the next games,” saad ni de Jesus na magwagi kontra Cignal, 26-24, 21-25, 25-21, 25-14 noong Martes ng gabi. (MC)





Comments