Lolo todas sa motorsiklo
NORTH COTABATO—Isang 60-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Central Glad, Midsayap sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Berjarin Manuel, magsasaka, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na tumatawid umano sa kalsada si Manuel nang mabangga ito ng motorsiklong minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.
Kaagad dinala ng mga saksi si Manuel sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek.





Comments