Kandila ni: Jeo


Isang lalaking uhaw sa kasiyahan, kung aking sarili ay ilalarawan.
Ngunit, aking puso’y biglang nabuhayan, nang iyong mga mata ay masilayan.
Palagay ko ang langit ay nagpadala, ng anghel upang aking makilala.
Nagsimula na nga ang aking ligaya, sa araw-araw na ika’y aking kasama.
Ikaw ang liwanag na nagbigay ng ilaw,
sa aking puso ika’y nagsilbing araw.
Kung libong buhay sa akin ay ibibigay,
lahat ng ito’y sa iyo iaalay.
Ngunit, isang umaga’y biglang sumapit, tila parang panaginip na mapait.
Bakit parang napakadilim dito?
Paggising ko ay wala na ang ilaw ko.
Batid kong ikaw ay mayroon nang iba,
iyong saya sa akin ay mahalaga.
Ako’y kandilang panandaliang ilaw,
sa oras na lumubog ang iyong araw.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments