top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kagawad binaril, todas

Mylene Alfonso
Feb 21, 2019
1 min read

UTAS ang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isang eskinita, kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Manila.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Alfredo Hicana, 48, alyas Gerry Bok, kagawad sa Bgy. 356, Zone 36, District 3.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale, alas-2:07 ng hapon nang maganap ang insidente.

Base sa CCTV footage ng isang pribadong establisimyento sa lugar, makikita ang gunman na nanggaling sa likuran ng biktima saka ito pinagbabaril.

Nagawa pa umano ng biktima na makatakbo pero, tinamaan na ito ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakasakay umano ang suspek sa motorsiklo na siya ang nagmaneho at nang maisagawa ang krimen ay sumakay ito bilang angkas sa naghihintay niyang kasama.

Patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa motibo ng krimen at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page