Aktres na buntis sa iba, out! JAKE AT ANAK NILA NI ANDI, NAG-BONDING SA HONG KONG
- BULGAR

- Feb 21, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

VERY happy ang mag-amang Jake Ejercito at Ellie Eigenmann na nasa Hong Kong at namamasyal sa Disneyland. Super bonding ang mag-ama.
Ayon kay Jake, incredible travel buddy niya ang 7-year-old na anak.
Caption ni Jake sa mga ibinahaging pictures sa social media: “Ignoring the number of times she chose to eat in McDonald’s and forced me to finish her leftovers, I think I’ve found me an A+ #1 travel buddy.”
Nakatutuwang natapos na rin ang sigalot sa buhay ni Ellie. Kung noon ay questionable kung sino ang kanyang ama dahil ayaw magsalita ng inang si Andi Eigenmann, ngayon ay masaya si Ellie dahil at her young age, lumabas agad ang katotohanan.
So far, magkakaroon na ng kapatid sa ina si Ellie dahil preggy ngayon si Andi courtesy ng kanyang non-showbiz partner.





Comments