UNBEATEN PA RIN ANG ALAB PILIPINAS VS. ZHUHAI SA ABL

NAPANATILI ng San Miguel Alab Pilipinas ang kanilang malinis na kartada pagkaraang talunin ang Zhuhai Wolf Warriors, 108-81, noong Linggo sa ASEAN Basketball League sa Sta. Rosa Multipurpose Complex.
Hindi naglaro si PJ Ramos para sa Alab Pilipinas dahil sa suspensyon ngunit hindi pa rin napigilan ang koponan na manaig kontra sa Wolf Warriors.
Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Alab Pilipinas pagkaraang umakyat ang kartada sa 15-3.
Nanatili ring malinis ang kartada ng Alab sa homecourt matapos ang kanilang pang-11 na sunod na panalo.
Nanguna si Renaldo Balkman sa atake ng Alab Pilipinas pagkaraang gumawa ng 20 points, habang nagtala ng 16 points si Brandon Rosser.
Umalagwa ang Alab Pilipinas sa first quarter pa lamang ng laro matapos makakuha ng 28-18 na abanse.
Bumaba ang kartada ng Zhuhai sa 2-17. Sunod na makakalaban ng Alab Pilipinas ang Mono Vampire Basketball Club sa Sabado sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.





Comments