Travel at flight documents pa-Dubai, peke | 100 APLIKANTE NAGOYO NG MAG-LIVE-IN PARTNER
- mylene alfonso
- Feb 20, 2019
- 1 min read

TIMBOG ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID), ang isang Pinay at live-in partner nitong Jordanian national na nakapanggoyo umano ng may 100 aplikante para makapagtrabaho sa Dubai.
Mismong sa NAIA Terminal 3, nadakip ng NBI ang mga suspek na sina Myrla Olar at Ali Moh-Khalil Tarrish habang naghihintay ng flight at tatakas sana papuntang Davao.
Ang mga OFW ay nasa NAIA na nang matuklasan nilang peke ang kanilang travel at flight documents, kaya agad silang humingi ng tulong sa PNP-Aviation na siyang nakipagkoordinasyon para madakip ang dalawa.
Nabatid na ang mga aplikante na natangayan ng may P25,000 hanggang P32,000 ay pawang ini-refer ng isa pang suspek na si Conchita Paculba na nasa kustodiya na ng NBI matapos madakip sa entrapment operation.
Habang pinaghahanap ang dalawa pa nilang kasabwat na sina Virginia Adling at Mel Madera.
Sa beripikasyon, nalaman na si Tarrish ay may standing warrant of arrests sa Branch 28 ng Biñan, Laguna RTC sa kasong estafa na isisilbi laban sa kanya.





Comments