Tiyuhin tinodas ng pamangkin
- Pabs Hernandez III
- Feb 20, 2019
- 1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang tiyuhin ang tinaga at napatay ng kanyang pamangkin, kamakalawa sa Bgy. Bagong Baguio, Sergio Osmeña sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si William Lubiano, samantalang, ang suspek ay ang pamangkin nito na si Mario Fernandez, kapwa nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sina Lubiano at Fernandez na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Lubiano sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kusa namang sumuko sa pulisya si Fernandez.





Comments