top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Side-effect ng mga gamot sa STD, alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Nabanggit ng GF kong nagkaroon daw siya ng chlamydia noong hindi pa ako ang kanyang BF. Ang sabi niya ay matagal na raw ito. Gayun­man, naba­bahala akong baka maha­wahan niya ako, lalo na at baka hindi pa siya totally magaling. Ano ba ang mga sintomas ng sakit na ito? — Alex

Sagot

Ang chlamydia ay uri ng sexually transmitted disease o sakit na naipa­pasa sa pamamagitan ng pakiki­pagtalik. Kadala­san, ang pasyenteng mayroon nito ay hindi nakararanas ng mga sintomas, pero tandaan na hindi porke walang sintomas ay puwede na itong balewalain.

Sa katunayan, ang chlamydia ay maaaring maging sanhi ng ser­yoso at permanenteng mga pinsala sa reproductive system. Ito ay maaaring maging sanhi ng hindi pagkabuntis, gayundin maaaring maging dahilan ng ectopic pregnancy, isang nakamamatay na kondisyon.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng chlamydia:

• Masakit o mahap­ding pag-ihi

• Pananakit sa bandang ibaba ng tiyan

• Discharge sa ari

• Masakit kapag nakiki­pagtalik

• Pagdurugo kahit hindi pa nireregla/pag­katapos maki­pagtalik

• Pananakit ng puwit

• Pamamaga o im­pek­si­yon sa mga mata

• Pananakit ng ibabang bahagi ng likod

• Lagnat

• Pagkahilo

• Pamumula, pang­angati at pamamaga ng butas ng ari

• Pamamaga ng lala­munan

Narito ang karani­wang mga risk factor ng sakit na chlamydia:

• Babae o lalaki na aktibo sa pakikipag­talik

• Hindi tama ang paggamit ng condom

• Nakikipagtalik na hindi protektado

• May iba’t ibang katalik

Ano ang gamot sa chlamydia?

Kung natuklasan ng doktor na mayroon ka­yong chlamydia, magre­reseta ito ng antibiotic na iinumin sa loob ng 5 hang­gang 10 araw, de­pen­de sa impeksiyon. Hang­gang hindi pa tapos ang pag-inom ng antibiotic, posible pa rin mahawa ng chlamydia ang inyong partner.

Narito ang ilan sa mga inireresetang antibiotic para rito at ang mga side-effect nito:

• Doxycycline — kawa­lan ng gana sa pagkain, pag­susuka, pagkahilo, pamamantal ng balat, pagiging sensitibo ng balat sa araw, pagdumi na may kasamang dugo, paghi­lab at pananakit ng tiyan, dehydration, pa­nanakit ng ulo, pagbagsak ng timbang, panlalabo ng paningin, mataas na presyon ng dugo, anemia at pamamaga ng lalamunan.

• Erythromycin — pagtatae na may ka­samang dugo, pananakit ng ulo na kasabay ng paninikip ng dibdib at matinding pagkahilo, pagkawala ng malay, mabilis na pagtibok ng puso, paghina ng pandinig, sakit sa atay, maitim na ihi at dumi, paninilaw ng balat, pamamaga ng mukha o dila at pamamantal.

• Azithromycin — pagtatae, pagkahilo, pananakit ng tiyan, sakit sa atay, pagka­pagod at panghihina, kawalan ng gana sa pagkain, maitim na ihi, kulay dilaw na mga mata, allergy, kahirapan sa paghinga, pamamaga ng mukha, dila at lalamunan

• Levofloxacin — matinding allergic reaction na maaaring ma­ging sanhi ng pama­mantal, pangangati ng balat, kahirapan sa paghinga, paninikip ng dibdib o lalamunan, pamamaga ng mukha, labi o dila, mabilis o irregular na pagtibok ng puso, lagnat, hallucination, pagbabago sa mood, pagbabago sa blood sugar level, sakit sa atay, pagkakaroon ng mga pasa o pag­durugo at pagkakaroon ng discharge sa ari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page