PDEA official, tinodas

TINUTUGIS na ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagpatay sa opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Lupi, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Christian Frivaldo, una nang iniulat na nawawala si Enrico Barba, assistant provincial officer ng PDEA sa Camarines Norte noong hatinggabi ng Linggo matapos makipagkita sa isang informant sa bayan ng Daet.
Alas-10:00 ng umaga ng Lunes nang matagpuan sa isang kongkretong kanal sa Bgy. Napolidan ang bangkay ni Barba.
Ani Frivaldo, nakatali ang mga kamay ni Barba at nakabalot ng packaging tape ang bibig nito.
Sa loob naman ng bulsa ng shorts ng biktima ay natagpuan ang maruming cardboard na may nakasulat na “wag tularan, tulak ako”.
Idinagdag pa ni Frivaldo na tadtad ng mga bala ng baril ang katawan ni Barba at may senyales na pinahirapan muna ang PDEA official bago binaril.
Dokumentado umano ang lahat ng misyon ni Barba at naipabatid ito sa provincial officer ng PDEA-Camarines Norte na si Vidal Bacolod.
Pasok na rin sa imbestigasyon sa insidente ang pulisya at National Bureau of Investigation (NBI).





Comments