top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panahong ibinibigay ng batas para makapagbayad ng annual fee ang lending company

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Nagtatrabaho ako bilang assistant sa lending company.Nais kong malaman kung ilang araw ang ibini­bigay ng batas upang magbayad ng annual fee bago ang anniversary date ng aming certificate of authority? —Ivy

Dear Ivy,

Para sa inyong kaa­la­man, ang batas na suma­saklaw sa inyong katanungan ay ang Rule 2(f) at Rule 3 ng Implementing Rules ng Republic Act (R.A.) No. 9474 na mas kilala bilang “Lending Company Regulation Act of 2007” kung saan nakasaad:

“Rule 2. xxx (f) Certificate of Authority (CA) shall refer to a certificate issued by the SEC in favor of a lending company to engage in the business of lending regulated by R.A. No. 9474 and its Implementing Rules and Regulations. Xxx

Rule 3. (d) xxx ii. Annual fee – An annual fee shall be paid not later than forty five (45) days before the anniversary date of the CA. xxx”

Ayon sa nasabing batas, ang Certificate of Authority (CA) ay sertipiko na iginagawad ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lending company upang makapag­negosyo ng lending. Kaugnay nito, nararapat magbayad ng annual fee sa panahon na hindi hihigit ng apatnapu’t limang (45) araw mula sa anniversary date ng nasabing Certificate of Authority.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­intindi namin dito. Maa­aring maiba ang opinyon kung mayroong karag­dagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page