Momentum sa paglaban sa iligal na droga, ipagpatuloy!
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 1 min read
NABAWASAN ang krimen.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
ANG pagbaba ng krimen sa buong bansa ay dahil sa epektibong diskarte ng PNP sa panahon ng pag-upo ni Pangulong Digong.
Ibig sabihin, hindi nagkamali si PRRD sa personal na pagpili ng mga mamumuno sa Pambansang Pulisya!
◘◘◘
Sa pinakahuling balita, nabawasan na rin ang adik at tulak batay sa mga datos na lumalabas.
Mahalagang maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng peace and order!
◘◘◘
ANG kapayapaan at maayos na takbo ng buhay sa bansa ay magbubunsod upang maakit ang mga investor at ganahan ang mga negosyante.
Ito ay naranasan natin ngayong panahon ni P-Digong!
◘◘◘
MAKIKITA rin ang partisipasyon ng mga sibilyan at takot ng mga ito na makisali o makisangkot sa illegal drugs.
Nabisto ang mga lumutang na bloke-blokeng cocaine sa karagatan mula sa tulong ng mga mangingisda!
◘◘◘
MALINAW ngayon na umiiwas na ang mga Pinoy sa illegal drugs.
Naiiwan na lamang ay ang mga pusakal na drug trafficker mula sa dikta ng mga dayuhan!
◘◘◘
NAGTATAGUMPAY daw ang ‘war on drugs’ dahil ang mga nahuhuling drug trafficker ay mga dayuhan imbes na mga lehitimong Pinoy.
Kailangan ipagpatuloy ang momentum sa paglaban sa illegal drugs!
◘◘◘
PAGKATAPOS ng midterm election ngayong Mayo, halos mahigit dalawang taon na lamang ang nalalabi sa termino ni P-Digong.
Kailangan maluklok sa gobyerno ang mga lider at opisyal na magpapatuloy ng ‘war on drugs’!
◘◘◘
KAILANGAN maipamana ni P-Digong ang liderato ng gobyerno sa opisyales na may matigas na pundasyon, disposisyon at paninindigan kontra illegal drugs.
Isang magandang oportunidad ang 2019 elections upang makisali ang mamamayan sa mga lider na kanilang maaasahan kontra sa ipinagbabawal na droga!





Comments