top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga magsasaka, dehado sa 'Rice Tarrification Bill' na pinaboran ni P-Digong, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2019
2 min read

IMBES SA MGA MAGSASAKA, RICE IMPORTERS ANG BINIGYAN NG PABOR NI P-DUTERTE — Isinabatas na ni P-Duterte ang “Rice Tariffication Bill” na papabor sa mga rice importer dahil wala na silang limit sa pag-aangkat ng imported rice para kumpetensiyahin ang mga magsasakang Pinoy.

Walang laban sa batas na ito ang mga magsasaka dahil hindi nila kayang tapatan ang bilyones na puhunan ng mga rice importer na tiyak magbabagsak-presyo muna sa halaga ng bigas upang ang kanilang iniangkat na imported rice ang bilhin ng publiko at hindi ang bigas ng mga Pinoy farmer.

Nakalulungkot isipin na imbes na mga magsasaka ang suportahan ng Duterte gov’t., eh, ang binigyan ng pabor ay mga kapitalistang rice importer, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

DUTERTE GOV’T., ‘NGA­NGA’ SA AGRICULTURAL MANAGEMENT—Ang palusot ng mga taga-Malacañang na kaya raw isinabatas ni P-Duterte ang “Rice Tariffication Bill” ay para raw maiwasan ang nakaambang krisis sa bigas sa bansa.

‘Sus, ayaw pang aminin ng Malacañang ang totoong dahilan na kaya inaprubahan ni P-Duterte ang batas na ito ay dahil inutil ang gobyerno sa agricultural management, buwisit!

◘◘◘

KAHIT NAGPAPAKA-DDS NA SI JIGGY MANICAD, BASURA PA RIN KAY P-DUTERTE ANG KANYANG KANDIDATURA—Kahit nagpapaka-DDS (Duterte Diehard Supporter) na si Senatorial candidate/former Journalist Jiggy Manicad, hindi pa rin suportado ni P-Duterte ang kanyang kandidatura.

Hindi man aminin ni Manicad, siguradong naghihimutok siya at todo-sipsip na siya sa mga polisiya ng Duterte gov’t., tapos ibinabasura lang ng pangulo ang kandidatura nito.

Dahil dedma lang si P-Duterte sa kanya, malabo nang mangyari ang pangarap ni Manicad na maging senador, boom!

◘◘◘

MAYOR OLIVAREZ, ‘NGA­NGA’ SA RAKET NI ‘JOY’—Tuloy pa rin daw ang raket na bookies at lotteng ni “Joy” sa Parañaque City.

Hay naku, matatapos na ni Mayor Edwin Olivarez ang kanyang termino nang “nganga” lang siya sa raket ni “Joy,” buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page