MAGHAHARI NA BA ANG CEU VS PMMS SA 26TH NCRAA?
- A.Servinio
- Feb 20, 2019
- 1 min read

NAKUHA ng Centro Escolar University ang mahalagang panalo sa pagsisimula ng seryeng best-of-three para sa 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) kontra Philippine Merchant Marine School, 63-59, Lunes sa puno at maingay na Olivarez College. Perpektong 10 panalo sa 10 laro na ang Scorpions at maari na nilang mauwi na ang tropeo sa ikalawang laro ngayong araw sa Paco Arena.
Binuksan ni Rich Guinitaran ang huling quarter sa kanyang dalawang puntos at lumamang ang Scorpions, 54-44. Biglang umasim ang opensa ng CEU at puro free throw lang ang nagawa kaya nakalapit ang PMMS ng isa, 56-57, matapos ang pitong sunod-sunod na puntos ni Bryan Hilario. Biglang isinalba ni Guinitaran ang kanyang koponan at gumawa ng dalawang sunod na buslo para mabasag ang kanilang katahimikan at lumayo ng kaunti papasok ng huling dalawang minuto, 61-56. Hindi basta sumuko ang Mariners at lumapit muli pagkatapos ng tatlong free throw ni Kurt Sunga buhat sa unsportsmanlike foul ni Keanu Caballero, 59-61, at 1:25 ang nalalabi.





Comments