top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya wa’ paki kung masira ang ‘Pinas sa buong mundo | Maria Ressa, buking na Kano!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2019
  • 3 min read

‘KANO pala si Maria Ressa, CEO at editor ng Rappler kaya palagi niyang sinisiraan ang Pilipinas, wala siyang pakialam dahil U.S. citizen siya at maaari siyang tumakas kung ipakukulong siya ng korte.

American citizen si Maria Angelita Aycardo Ressa na may kasong kinahaharap na cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Sa halip harapin ang kaso, kung anu-ano ang pinagsasasabi ng aleng ito. ‘Press freedom’ siya nang ‘press freedom’, eh, kung walang press freedom, ma­­tagal na siyang nasa Camp Crame!

Pero nakita natin, malayang nakapagsasalita si Ressa laban sa Pilipinas at sa gobyerno. Kung to­toong may diktador, hindi niya magagawa ‘yan. Kung mag­salita si Ressa, akala mo kung sinong bayani, baka bayani ng mga ‘puti’!

Sa loob ng 14 taon na labas-masok ito sa Pilipinas, palaging ginagamit ni Ressa ang kanyang U.S. pass­port. Halos 350 biyahe rin umano ito, halos bawat buwan ay umaalis ng bansa si Ressa. Miss na miss ba nito ang U.S. kaya panay ang punta niya roon o baka naman ahente lang ito ng State Department o Central Intelligence Agency at kailangan nitong mag-report sa mga “boss” niya roon?

(Hoy, mga taga-Rappler, check din ninyo kung sino ang nagbabayad ng madalas na mga biyahe niya abroad baka kaya wala nang pansuweldo sa inyo ay dahil sa “out of town” lang ni Ressa napupunta?)

Maaaring sabihin ni Ressa na dual citizen siya, pero bakit hindi niya ginagamit ang Philippine passport niya sa kanyang madalas na pagbiyahe? Siguro, ikinahihiya niya ang Pilipinas kaya feeling Kano si Ressa.

Ang masama pa nito, nagtatrabaho si Ressa sa media kung saan bawal ang foreigner. Malinaw sa Konstitusyon na limitado sa mga ‘tunay’ na Pilipino ang media.

Kaya anong ginagawa rito ni Ressa, na isang Kano? Para mahawakan ang makinaryang pampro­paganda laban kay Pangulong Duterte at propaganda rin para sa interes ng U.S.? Hmmm…

Sa mga artikulong isinusulat tungkol sa kanya, hindi binabanggit ng U.S. media na si Ressa ay kabaro nila. CNN, alam ba ninyo ito? Kung hindi, ang hina ninyo sa research!

Noong 1973, nag-migrate papuntang Estados Unidos ang pamilya ni Ressa at naging naturalized citizens sila. Para maging mamamayan ng U.S., ka­ilangang sumumpa ka sa kanilang matinding Oath of Allegiance.

Sa pagsusumpang ito, ipagkakanulo natin ang Pilipinas. Kumbaga, ‘kailangan mong isuka ang dati mong bansa’ bago ka tanggapin ng U.S. bilang bago nilang mamamayan.

Ito ang unang linya ng U.S. Oath of Allegiance: “Malinaw kong sinasabi, sa pagsusumpang ito na sigurado at buumbuo kong itinatakwil at tinatali­kuran lahat ng katapatan at dedikasyon sa anumang dayuhang prinsipe, lider, bansa o soberanya kung saan ako nanirahan at naging mamamayan.”

Ang lupit, ‘di ba? Kung talagang mahal mo ang Pilipinas, hindi mo masasabi ang mga salitang ito. Isinumpa raw ni Ressa na sa U.S. lang ang kan­yang buong katapatan.

Bakit pinapayagan ng mga awtoridad na dayu­hang Kano ang magmay-ari at magpatakbo ng kumpanya sa media?

Bakit limitado dapat sa Pilipino ang media? Dahil napakalakas ng institusyon ng media. Maaari nitong maimpluwensiyahan ang utak ng mga tao. Maaari nitong mapabagsak ang gobyerno at mga namumu­no ng bansa. Ang Rappler ni Ressa, umpisa pa lang, halatang pro-dilaw ito. Basta dilawan ang pulitiko ay sinusu­portahan nila. Kapag hindi ay panay pani­nira ang gagawin nila.

Masama at hindi patas ang pagtrato nila sa admi­nistrasyong Duterte. Umpisa pa lang ay puro “fake news” na ng kanilang inilalabas. Rappler ang naglabas ng pekeng balita na 10,000 umano ang pina­patay ng gobyerno sa ‘war on drugs’.

Kasinungalingan ang inilalabas ng Rappler at kahit sinabihan sila ng Philippine National Police (PNP) na mali ang datos nila ay hindi binago ng Rappler ang kanilang maling balita.

Ipinagkalat nila sa buong mundo ang maling numerong ito kaya nasira ang imahe ng Pilipinas. Isang pagtataksil ito sa bayan, hindi ba, nakokon­sensiya ang staff ng Rappler na sinisiraan nila ang kanilang bansa?

Samantalang, si Maria Ressa ay panay painter­byu sa mga dayuhang istasyon tulad ng CNN para lamang masira ang reputasyon ng administrasyong Duterte. Wala siyang pakialam kung bumagsak ang ating demokrasya dahil Amerikano pala siya.

Tingnan ninyo, pati U.S. Embassy ay naglabas ng statement na sumusuporta kay Ressa. Ginagawa lang nila ‘yun sa mga U.S. citizen, obligasyon nila ‘yun.

Bistado ka na, Maria Ressa! Kung galit ka sa Pilipinas at sa mga Pilipino, pumunta ka na lang sa New York kasama ni Loida Lewis. Ayaw ng mga ‘tunay’ na Pilipino sa mga traydor na tulad ninyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page