Isa sa cast ng Kambal Karibal… KAPUSO ACTRESS NAHULIHAN NG DROGA

Beth Gelena / BULGARY FILES

ANG character actress ng Kambal Karibal na nagngangalang Roence Santos ay naaresto sa La Union dahil may dala umanong marijuana.
Nasakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang grupo ni Santos na sakay ng Toyota Fortuner nu’ng February 12 sa La Union. May dala umanong six bricks ng marijuana ang grupo na umaabot daw sa 25 kilos at hinihinalang aabot sa halagang P3M.
Ayon sa Provincial officer ng PDEA, La Union na si Darnel Bacate, they were with a group of La Union Police when they intercepted a Toyota Fortuner SUV.
Dinala sa PDEA Region 1 Detention Facility ang grupo ni Santos para imbestigahan.
Ayon sa interbyu kay Roence pagkatapos ng insidente, ang nakita raw ng Narcotics sa kanilang sasakyan ay planted. Wala umanong na-identify na fingerprints ang mga ito.
Nadismaya rin umano siya sa pangha-harass na naranasan nila ng grupo mula sa kamay ng mga otoridad.
Si Roence ang gumanap noon na black lady sa Kambal, Karibal.





Comments