Hamon kay P-Digong | IPINANGAKONG P180-B COCO LEVY FUND, TUPARIN
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 1 min read

DUMARANAS ng krisis ang mga nagtatanim ng copra at palay dahil sa mababang presyo sa merkado.
Kaugnay nito, inihihirit sa gobyerno na ayudahan ang mga magsasaka at ilabas ang P180 billion coco levy fund na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Apektado umano ang mga magsasaka sa isinusulong na rice tarrification na ipatutupad ng pamahalaan.
Nauna rito, tinanggihan ni Pangulong Duterte ang panukalang-batas na may kaugnayan sa Philippine Coconut Authority (PCA) dahil hindi ito sapat para matugunan ang pangangailangan ng mga coco farmer.
Ani Gov. Imee Marcos, bumagsak ang presyo ng copra mula P38.70 kada kilo tungo sa P15.52 kada kg.
Dapat din umanong kontrolin ang importasyon ng bigas dahil perhuwisyo ito sa mga magsasaka. (BRT)





Comments