Duterte, todo-kampanya | ‘SOLID NORTH’ NABUHAY

MULING nabuhay ang ‘Solid North’ dahil umano sa suporta ni Davao City Mayor Sarah ‘Inday’ Duterte sa mga Ilokano.
Sa isinagawang press conference matapos ang campaign rally ng mga senatorial candidate ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Vigan at Laoag Cities, sinabi ni Gov. Imee Marcos na muling nabuhay ang Solid North sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan dahil sa alkalde.
Inikot ni Mayor Sara ang Northern Luzon kung saan nagmotor ang alkalde kasama ang ilang mga kandidato.
Matatandaang, kilala noon ang Solid North vote ng mga Ilokano na minsang nawala dahil sa politika na ngayon ay muling nanunumbalik ang sigla at pagkakaisa.





Comments