BUENAFE AT JUNTILLA, INIANGAT ANG ZAMBOANGA SA DATU CUP


NAGTULONG sina veterans Ryan Buenafe at Reed Juntilla upang iangat ang Zamboanga sa 61-58 kontra Cebu sa MPBL Datu Cup na idinaos sa Marist School Gymnasium sa Marikina City. Umiskor si Buenafe ng 13 puntos kabilang na ang dalawang free throws na nagsilbing marginal basket. Si Juntilla, sa kabilang banda ay pumoste ng 11, karamihan ay pawang nagawa sa final quarter na nagpaganda sa laro ng Zamboanga. Nasundan ng stepback trey para sa 2 puntos na kalamangan sa final 2:31 minuto ng regulation, 56-54.
Sa naturang panalo, pinag-ibayo ng Zamboanga ang win-loss record sa 10-12, nalagay para sa 7th spot sa southern division ng torneo. Nagwagi ang Zamboanga sa kabila ng walang iskor na nagawa si star player Harolf Arboleda na nagmintis sa lima niyang tangka, pero may 13 rebounds.
Matikas man ang Zamboanga at patuloy ang laban para sa playoff berth, nanatiling lider ang Bataan. Ang 81-64 na panalo kontra Marikina ay patunay na seryosong makuha ang No. 1 spot sa playoffs. Ang huling tagumpay ay nagtala ng 21-2 card nang ipalasap sa Shoemasters ang ika-14 pagkatalo sa 23 laro. (MC)





Comments