top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tigdas sa Calabarzon lalong lumala

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2019
1 min read

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng kaso ng tigdas sa Calabarzon Region.

Sa huling datos ng Department of Health Epidemiology Bureau ng February 17, umabot na sa 38 ang nasawi habang 1,875 ang kabuuang bilang ng kaso ng tigdas sa Southern Tagalog.

Mas mataas ito ng 34 na kaso kaysa sa 1,841 kaso sa Metro Manila.

Sa naturang rehiyon, pinakamaraming naitala ng sakit sa Rizal.

Samantala, sa loob ng dalawang buwan, umabot na sa 136 ang nasawi at 8,000 ang kaso ng tigdas sa buong bansa.

Karamihan sa mga nasawi ay hindi nakapagpabakuna kontra tigdas. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page