Retiradong sundalo pasok sa DSWD

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Major Gen. Rene Glen Paje bilang bagong undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Si Paje ang dating commander ng Scout Rangers noong giyera sa Marawi City.
Sa kasalukuyan, wala pang paliwanag ang Malacañang sa pagkakapili kay Usec. Paje sa DSWD.
Dumagdag si Paje sa dumaraming bilang ng retiradong sundalo na binigyan ni Pangulong Duterte ng posisyon sa gobyerno.
Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na kaya niya pinipili ang mga sundalo dahil mas madali aniya silang utusan at nagagawa agad ang trabahong ipinag-utos nito.





Comments