top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para ‘di paulit-ulit kada eleksiyon | KULONG SA PASAWAY NA KANDIDATO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2019
1 min read

NANINIWALA ang dating commissioner ng Commission on Human Rights na si Atty. Nasser Marahomsalic na dapat makulong ang mga lumalabag sa Election Law.

Ito ay para hindi na umano nagpapaulit-ulit kada halalan ang paglabag ng mga kandidato.

Ani Marahomsalic, malinaw ang batas sa halalan subalit, hindi naipatutupad nang tama kaya patuloy na nadaragdagan ang mga paglabag.

Samantala, sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila, sinabi ni Breeza Rosales, Junior Project Director ng LENTE, na naniniwala siyang seryoso ang Commission on Elections sa kanilang ginagawang pagpapatupad ng batas.

Ayon naman sa election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), magsisimula na silang mag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang tumulong sa pagbaklas ng mga poster at tarpaulin na nasa bawal na lugar. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page