top of page
Pokwang.jpg

Panawagan sa pamahalaan, proteksiyon para sa mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law, i

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2019
1 min read

‘IKA nga nila, kung wala kang itina­nim, wala kang aanihin, pero, paano kung ang iyong itinanim ay hindi katumbas ng iyong maaaring anihin? ‘Yun lang!

Kasabay ng pagsasabatas ng Rice Tariffi­cation Law na may layong maging unlimited ang importasyon ng bigas at maging mura ang presyo nito sa mga pamilihan, marami ang umalma dahil naniniwala silang imbes na ma­katutu­long sa agrikultura ng bansa ang nasa­bing batas ay ito pa ang magiging dahilan para mas lalong maghirap ang mga magsasaka.

Gayunman, bukod sa apektado ang kita ng mga ito, damay din umano ang halos 4,000 empleyado ng National Food Authority (NFA).

Kaya naman, nanawagan tayo sa gob­yerno na tiyakin ang proteksiyon ng ma­mamayan na higit na maaapektuhan sa pag-apruba rito.

Marahil, sa mga konsiyumer, ayos ang pag-apruba sa batas dahil makabi­bili na sila ng murang bigas, isipin din sana natin ang mga magsasakang ma­tagal na nagsilbi sa bayan para mapunan ang mga kumakalam nating sikmura.

Samantala, sa oras na ma-implement na ang batas, tiyak na mas pipiliin ng rice dealers na bumili ng mas murang suplay at dahil dito, siguradong maba­bawasan ang kita ng mga magsasaka.

‘Yung tipong, nasolusyunan ang isang prob­lema, pero may dumagdag naman, wala rin!

Bagama’t, hindi maiiwasan ang ga­nitong krisis dahil lahat naman ng bansa ay may kani-kanyang suliraning pinag­da­raanan, hiling natin na malampasan ito ng pamahalaan, gayundin ng mama­mayan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page