top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagdaragdag ng technology subjects sa kurikulum, kapaki-pakinabang sa mga estudyante

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2019
  • 2 min read

SA modernong pag-ikot ng mundo ngayon, hindi na maiiwasan ang pagpasok ng makaba­gong teknolohiya. Kaya naman, ang mga kaba­taan ay nagiging “techie” dahil sa lawak ng ideya o kaisipan tungkol sa internet at teknolo­hiya.

Sila ang kadalasang nangunguna sa mga trending at bagong pakulo sa social media at gad­gets kaya talaga namang kabisado na nila ang teknikalidad at mga pasikut-sikot nito.

Dahil sanay na silang gumamit nito at marami itong pakinabang, hindi ba, mas mainam na masanay na ang mga estudyante sa mas mala­lim, detalyado at mabusising aralin sa teknolo­hiya habang bata pa sila?

Ilan sa mga in-demand na trabaho ngayon na maaari nilang pasukan kapag nag-aral ng computer coding ay software application deve­loper, web developer, database administrator, computer network architect, systems analyst at software quality assurance engineer.

Kung nais nating magkaroon ng mga di­gital-savvy graduate sa susunod pang mga taon at dekada, naniniwala tayong kailangan na nating sanayin ang mga batang estudyante ngayon sa coding o digital literacy at iba pang kasana­yan sa modernong teknolohiya.

Mahalaga ang kaalamang ito para mauna­waan nila ang makabagong teknolohiya sa ginagalawang mundo. Sila ay nagiging creative, nagkakaroon ng competitive advantage sa sa­rili, determinasyon at lakas ng loob upang su­mubok ng anumang bago.

Siyempre, naha­hasa rin ang kanilang com­munication skills, galing sa mathematics at pagsulat.

Masaya tayong mabalitaan na patuloy na na­katutok ang Department of Education (DepEd) sa pagtataguyod at pagpapalakas ng literacy sa information and communications technology (ICT) para sa mga estudyante, guro at maging sa mga school official sa pamama­gitan ng implementasyon nito ng inclusive lite­racy program.

Dahil magandang manatili at maipalaga­nap ang inisyatibong ito, hinihikayat natin ang Dep­Ed na isama na sa kurikulum ng elementary at high school ang digital literacy.

Ibig sabihin, tatalakayin sa klase ang pag-aaral, pag-iintindi at pagpapadala ng mensahe gamit ang com­puter at iba pang gadgets.

Upang masiguradong natuturuan nang mabuti ang mga mag-aaral, kailangang dumaan sa training, early intervention, transition pro­gram at head-start program ang mga punong-guro at supervisor.

Ngayong nauuso ang pagbuo ng mobile apps, makatutulong ito bilang paghahanda sa kanilang posibleng maging karera kapag naka­pagtapos na sila ng high school kung saan may kinalaman dito ang software design, computer systems at data communication networks, multi­media systems at marami pang iba.

Naniniwala tayong mas maigi kung kinder o elementary pa lang ay sanayin na natin ang mga estudyante sa computer and information science. Gamitin lang sa wasto at huwag aabu­suhin ang paggamit ng mga bagay na ito.

Tulad ng paalala ni DepEd Secretary Leonor Briones sa naganap na 2018 National Literacy Conference and Awards (NLCA) sa Baguio City kamakailan, “higit pa sa karunungan sa pagsu­sulat at pagbabasa ang kailangang matutunan ng mga kabataan sa panahon ngayon kundi dapat ding mahasa ang karunungan nila sa mo­dernong teknolohiya.”

Bilang vice-chairman ng Senate Committee on Education, tututukan natin ang adhikaing ito.

Naniniwala tayong malayo rin ang mararating ng ekonomiya ng ating bansa kung hahabol tayo sa kadalubhasaan sa ICT at ma­giging po­sible ito sa pamamagitan ng pakiki­pagsabayan ng mga kabataan habang sila ay nag-aaral pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page