top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nalunod sa pool | 8 YRS. OLD DEDO SA FAMILY OUTING

Maeng Santos
Feb 19, 2019
1 min read

NAUWI sa trahedya ang masayang family outing sa isang resort matapos malunod sa swimming pool ang walong taong gulang na lalaki sa Malabon City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Nigelmin Berinio, pupil at residente ng Bgy. 67, Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Jherico Pascual at PO2 Mardelio Osting, alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa sa M&A Resort sa Bgy. Maysilo.

Nauna rito, inimbitahan ang biktima kasama ang kanyang ina na si July Anne, 25, ng boyfriend nito para sa family outing sa naturang resort at habang naliligo, laking-gulat na lamang ng saksing si ‘Mark’, 17, nang masagi ng kanyang paa ang katawan ng biktima sa ilalim ng swimming pool.

Tinawag nito ang kanyang kaibigan at ipinaalam ang insidente sa duty lifeguard na si Leidielyn Cruz, 37, na agad itinaas ang katawan ng biktima saka sinubukang i-revived bago dinala sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page