NAKAUNA ANG NU BULLPUPS SA GAME 1 VS. BLUE EAGLETS
- BULGAR

- Feb 19, 2019
- 1 min read

NAGAWA ng Nazareth School of National University ang kanilang game plan upang makamit ang tagumpay sa Game 1 ng Finals ng UAAP 81 Juniors Basketball Tournament. Nagpatuloy ang dominasyon ng Bullpups kontra sa Ateneo de Manila Blue Eaglets ngayong season matapos gapiin ang huli kahapon, 70-58, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Nanguna sa plantsadong eksekusyon ng kanilang game plan partikular sa huling dalawang quarters sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao.
Katunayan, hindi nakaporma sa dalawa sina Blue Eaglets twin towers Kai Sotto at Geo Chiu.
Nakatuwang naman nila sa backcourt sina Gerry Abadiano at Terrence Fortea. Kapwa nagtapos na may double-double ang dalawang gitna ng Bullpups upang pamunuan ang tagumpay, ang kanilang ikatlo kontra Ateneo ngayong season.
Nagtala ng 15 puntos at 12 rebounds si Tamayo bukod pa sa isang assists at 3 blocks habang tumapos na may 14 puntos at 13 rebounds si Quiambao na dinagdagan nito ng 3 assists at isang block. Kasunod naman nila na may tig-11 puntos sina Abadiano at Fortea. Tumapos namang may game high 16 puntos , 15 rebounds at 5 blocks si Sotto para sa Ateneo kasunod si Tiu na may 12 puntos at 11 rebounds. (VA)





Comments