top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalo na ngayong marami sa kanila ay madaling sumuko sa problema, mamsh!  MGA PARAAN PARA HINDI MAGRE

Donna Thea Topacio
Feb 19, 2019
2 min read

No Problem

HINDI nag-aaral nang mabuti, pa­la­ging sumasagot nang pabalang, tumatakas para makipag-inu­man, ilan lang ‘yan sa mga gawaing ginaga­wa ng mga kabataang nagrerebelde sa ka­nilang mga magu­lang. Sa totoo lang, nakababahala ang ganitong sitwasyon dahil dehins natin knows kung ano ang magiging future nila kung ipagpapatuloy nila ang ganitong pag-uugali. Kaya para maiwasan ang pagrerebelde ng mga anak, narito ang ilang tips para sa inyo, parents:

1. OPEN UP. Kailangan, eh, open kayo sa isa’t isa nang sa gayun ay nalalaman ninyo kung ano ang mga hinanakit o pinagdaraanang problema ng inyong mga anak. Sa ganitong paraan, maaari silang mailigtas sa panganib ng pagkakaroon ng depresyon.

2. DON’T BE TOO CONTROLLING. Ooops! For sure, maraming guilty sa inyo rito. Yes, parents, kung nasa wastong edad na ang inyong mga anak, huwag kayong OA sa pagbabawal sa kanila. Hinay-hinay lang dahil sa pagiging controlling mas nagrerebelde sila. Tsk!

3. SUPPORT. Of course, dapat ay sinusuportahan ninyo sila sa mga bagay na ginagawa nila. Huwag kayong nega at iparamdam ninyo sa inyong mga anak na kayo ang numero-unong fan nila. Naks!

4. MAKE THEM FEEL LOVED. Bukod sa pagsasabi ng “I love you” sa kanila, dapat ay naipararamdam din ninyo ito sa kanila. Huwag kayong mahiyang yakapin ang inyong mga anak dahil, sa totoo lang, gusto rin nila ‘yun, pero nahihiya lang sila kasi feeling “awkward” na sila dahil malalaki na sila. He-he-he!

5. GIVE THEM ATTENTION. Sino ba ang ayaw ng atensiyon mula sa magulang? Lahat naman tayo ay gusto ng napapansin, eh, pero hindi para pagalitan, kundi para purihin at i-appreciate. Ganern!

Oh, ayan, parents, make sure na masusunod ninyo ang mga tip na ito para maiwasan ninyo ang pagkakaroon ng rebeldeng mga junakis.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page