top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Iba't ibang sanhi ng indigestion

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Napapansin ko na madalas akong maim­patso sa tuwing ako ay kumakain. Paki­ram­dam ko, palaging bloated ang tiyan ko. Ibig bang sabihin nito ay may gastroeso­pha­geal reflux disease (GERD) ako? Na­bang­git ko ito sa best­friend kong na-diagnosed na may GERD at nasabi niyang madalas din daw si­yang maimpastso noon. Posible kayang GERD ito? — Felicity

Sagot

Ang impatso o indigestion ay kalagayan na naglalarawan sa pagka­ramdam ng sobrang pagkabusog o pakiram­dam na tila puno ang tiyan habang o pag­katapos kumain. Ma­aari itong may kasa­mang pananakit sa bandang itaas na bahagi ng tiyan. Ang madalas na pagkakaroon ng impatso ay senyales ng mas malalim na suli­raning pangkalusugan tulad ng gastroesopha­geal reflux disease, ulcer o karamdaman sa apdo.

Narito ang mga sintomas ng indigestion:

  • Pakiramdam na bloated ang tiyan

  • Hirap sa pagdighay o pag-utot

  • Pagkahilo

  • Pagsusuka

  • Maasim na panlasa

  • Masakit ang ban­dang itaas na bahagi ng sikmura

  • Pananakit ng tiyan.

Ang mga sintomas ay dulot ng stress. Maaari ring makaramdam ng heartburn, ito ay ang pag-akyat ng asido mula sa tiyan patungo sa esopagoso.

Narito ang ilang sanhi ng madalas na pagkakaroon ng im­patso:

  • Ulcer

  • Bato sa apdo

  • Gastroesophageal reflux disease (GERD)

  • Kanser sa sikmura

  • Gastroparesis na kadalasan nararamda­man ng mga may diabetes

  • Impeksiyon sa sikmura

  • Irritable bowel syndrome (IBS)

  • Pancreatitis

  • Sakit sa glan­dulang thyroid

  • Pagkain nang labis at mabilis

  • Pagkain ng mara­ming taba, mamantika at maaanghang

  • Pagkain tuwing nakararanas ng stress

  • Labis na pag-inom ng alak

  • Madalas na panini­garilyo

  • Sobrang pagod at stress

  • Pag-inom ng mga inuming may caffeine.

Gayundin, nakara­ramdam ng impatso ang kababaihang nasa pa­ngalawa o pangatlong yugto ng pagbubuntis. Ang impatso ay may kaugnayan sa pagluwag ng mga masel sa digestive tract at sa bigat ng lumalaking sanggol sa sinapupunan.

Narito ang mga paraan para maiwa­san ito:

  • Ugaliing isara ang bibig kapag ngumu­nguya.

  • Iwasan ang pagsa­salita habang kumakain.

  • Iwasan ang pagkain nang mabilis.

  • Uminom lamang pagkatapos kumain.

  • Iwasang kumain bago matulog.

  • Magpahinga pagka­tapos kumain.

  • Iwasan ang maaang­hang na pagkain.

  • Iwasan ang pani­nigarilyo.

  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak.

Gayunman, kung hindi maibsan ang paki­ramdam ng impatso pagkatapos ng mga pagbabagong ito sa pamumuhay, makabu­buti kung magpapakon­sulta agad sa doktor upang mabigyan ng angkop na gamot na maaaring inumin para sa ikabubuti ng inyong pakiramdam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page