Helper pinagbabaril sa ulo
- Mylene Alfonso
- Feb 19, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang helper nang patraydor na pagbabarilin habang naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Main Road sa Manila.
Kinilala ang biktima na si Leo Coker, 47, residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila na namatay sanhi ng tatlong tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo at katawan.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, alas-3:00 ng madaling-araw nang makarinig ng tatlong putok ng baril si Ronelito Benson habang kumakain sa karinderya na nasa kabilang kalsada.
Nang alamin kung ano ang nangyari, nakita nito ang biktima na duguan kaya agad niya itong ini-report sa barangay hall.
Wala nang buhay nang datnan ng Baseco Police Community Precint ang biktima.
Patuloy namang iniimbestigahan ang motibo sa krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.





Comments