Epekto ng hindi pagsumite ng pre-trial brief para manalo

Dear Chief Acosta, Nakabimbin sa korte ang kasong isinampa ng kapatid ko. Nag-withdraw sa kaso ang kanyang abogado dahil mayroon silang hindi pagkakaintindihan. Kamakailan, nakatanggap siya ng order mula sa korte kung saan inaatasan siyang magsumite ng kanyang pre-trial brief. Ang problema, wala pa siyang bagong abogado. Ano ang epekto sa kaso kapag hindi nakapagsumite ng pre-trial brief ang kapatid ko? — Maximo
Dear Maximo, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 2, Rule 18 ng Revised Rules of Court ang katangian ng pre-trial brief:
“Section 2. Nature and purpose. — The pre-trial is mandatory.
x x x x
“Section 6. Pre-trial brief. — The parties shall file with the court and serve on the adverse party, in such manner as shall ensure their receipt thereof at least three (3) days before the date of the pre-trial, their respective pre-trial briefs […]
x x x x
Failure to file the pre-trial brief shall have the same effect as failure to appear at the pre-trial” (Binigyang-diin).
Gayundin, nakasaad sa Section 5, Rule 18 ng parehong batas na:
“SEC. 5. Effect of Failure to Appear. – The failure of the plaintiff to appear when so required pursuant to the next preceding section shall be cause for dismissal of the action. The dismissal shall be with prejudice, unless otherwise ordered by the court” (binigyang-diin).
Sang-ayon sa nabanggit, ang hindi pagsumite ng plaintiff ng kanyang pre-trial brief ay may tulad na epekto sa hindi pagdalo sa pre-trial kung saan maaaring ideklara ng korte na ang kaso ay dismissed with prejudice. Ibig sabihin, hindi na muling maaaring isampa ang parehong kaso laban sa parehong respondent sapagkat itinuturing ang kaso na napagdesisyunan na nang sukdulan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments