Camp brigade commander ng milf, todas sa MNLF

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang camp brigade commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa M’lang, Cotabato, kamakalawa.
Dead-on-the-spot si Jun Panangulon, naninirahan sa Bgy. Gaunan at brigade commander ng 108th Base Command ng MILF habang ang kasama nito na si Toto Magulayan ay kritikal sa insidente.
Agad namang nasakote sa follow-up operation ang apat na suspek na sina Tengan Anog, Nindi Dengkang, Pong Anog at Junior Abdul, pawang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Ayon kay Superintendent Giovani Ladeo, patungo sa isang banana plantation ang mga biktima nang harangin ng mga suspek sa bahagi ng Purok 3 ng naturang barangay.
Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng magkabilang panig hanggang sa maganap ang pamamaril.
Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala ng M14 at M1 carbine rifles.
Agad namang nagsanib-puwersa ang mga pulis at sundalo at tinungo ang bahay ng mga suspek dahilan para mapilitan silang sumuko.
Isinuko rin nila ang mga baril na kanilang ginamit sa krimen.





Comments