BF, lagi raw nakayakap… LIZA, KUMANTA SA MGA GINAGAWA SA KANYA NI ENRIQUE
- BULGAR

- Feb 19, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA guesting pa rin ni Liza sa Magandang Buhay kahapon, ibinuking ng BF niyang si Enrique Gil kung ano ang pinakakinatatakutan ng aktres.
Ani Enrique, “When she was a kid, parang may nangyari sa kanya. So, hanggang ngayon, kapag may dolls or any scary dolls na mukhang totoo, super-takot siya.”
Paliwanag naman ni Liza, nagsimula ang kanyang takot sa manika noong makulong siya sa isang treasure chest na puno ng mga manika noong bata pa siya.
Kuwento ni Liza, “I was there feeling ko mga five hours, pero siguro less than an hour ako nandoon. Pero ang feeling ko, ang tagal because it was 12 midnight at that time, tapos nanonood kami ng movie about sa mga dolls na nakakatakot.”
Dagdag pa niya, “Pero nao-overcome ko na rin ‘yung fear ko sa dolls like kaya ko kung nandiyan sila sa malayo pero kung hahawakan ko or katabi ko sa bed, ay, no, hindi ko kaya.”
Samantala, kinilig naman ang mga fans na nasa studio nang ikuwento ni Enrique kung paano maging GF si Liza.
Ani Enrique, “Lagi niya akong inaalagaan. Sobrang lambing po niya. Whenever I’m with her, I feel like I’m the luckiest guy on earth.”
Ayon kay Liza, kung malambing siya, eh, siguradong mas malambing nang 20 times ang kanyang BF dahil mas affectionate ito kesa sa kanya.
“Pero I show my love in the little ways by taking care of him. Si Quen ‘yung mas ma-hug, ma-cuddle. Kapag nag-aaway kami, siya ‘yung unang magso-sorry, siya ‘yung unang maglalambing. Ako kasi, mataas ang pride ko kapag nag-aaway kami, but I’m trying to correct that naman,” ang naging pahayag ni Liza.
Sa huli, nagbigay naman ng mensahe si Quen para kay Liza at nagpaabot pa ng bulaklak sa aktres.
Aniya, “Ngayong open na tayo sa ating relationship, masasabi ko talaga and I promise that you will never be alone and that we will always be together. Alam mo ‘yan.”
Ayon kay Liza, mas gusto niyang binibigyan siya ni Enrique ng letters at bulaklak dahil konti na lang ang gumagawa nito ngayon.
Aniya, “Ang sinabi ko sa kanya, ang the best na puwede mong ibigay sa akin ay letters and flowers. Kasi parang feeling ko, wala nang gumagawa ng ganu’n masyado. Parang I’m very traditional. I still like it how it was in the older days. So, he always gives me flowers.”





Comments