top of page
Pokwang.jpg

Babaeng namumroblema dahil hindi magkaanak

ROMA AMOR
Feb 19, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Mabel, 33 years old. Sampung taon na kaming kasal ng asawa ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak, sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil lahat ng mga payo sa amin ay sinunod ko na, pero wala pa rin talaga. Dapat ko na bang tanggapin na hindi na talaga ako magkakaanak? Sana, matulu­ngan ninyo ako. — Mabel

Mabel,

Alam mo, sis, marami ang katulad mo na hanggang ngayon ay hindi pa rin magkaroon ng anak, pero ‘yung iba sa kabutihang-palad, eh, nagkaroon naman. Kaun­ting tiis lang dahil darating din ang matagal mo ng pinapanga­rap. Mabuting ipaliwanag mo rin ito nang maayos sa asawa mo nang sa gayun ay hindi siya magloko. Hi­ling namin ang masaya at panghabambu­hay na pamilya para sa iyo. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page