top of page
Pokwang.jpg

2 tulak utas sa pulis

Levi Gonzales
Feb 19, 2019
1 min read

DALAWA umanong tulak ng droga ang bumulagta sa kapulisan matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Wawa, Batangas City.

Pasado alas-2:00 ng madaling-araw nang makabili ang nagpanggap na buyer ng iligal na droga gayunman, nakatunog ang mga suspek na sina Francis Asihan at John Carlo Bagon, kapwa nasa listahan ng pulisya na pusher ng droga.

Agad umanong bumunot ng baril ang mga suspek saka pinaputukan ang mga awtoridad.

Lumusob naman ang ilang kasamahang pulis hanggang sa mauwi sa engkuwentro na ikinasawi ng dalawa.

Nadala pa sila sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page