2 kawatang bebot tiklo
PAMPANGA—Dalawang babaeng magnanakaw ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pulung-Maragul, Angeles City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Rina Nuqui at Chuchay Victoria, kapwa nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong qualified theft.
Kusa namang sumama sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila sa nasabing lugar.





Comments