Preso pumuga, todas

PATAY ang lalaking bilanggo sa La Trinidad Municipal Police sa Benguet sa gitna ng pagtakas nito kamakalawa.
Habang naghihintay ng resulta ng kanyang medico-legal examination, tinangka umanong pumuga ng suspek na si Reynaldo Pilando Balas, 40, binata, residente ng Bgy. Puguis.
Una rito, hinuli ng mga awtoridad si Balas dahil sa paglabag umano sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act nang ireklamo siya ng pananakit sa kanyang nobya.
Katatapos lang na sumailalim sa booking procedure sa himpilan ng pulisya ni Balas nang magpaalam ito na magtutungo sa palikuran para maghugas ng mga kamay.
Gayunman, habang nasa palikuran ay bigla umanong itinulak ni Balas ang kanyang police escort at mabilis na tumakbo gamit ang backdoor ng istasyon ng pulisya at tumakbo patungong Benguet General Hospital.
Tinugis ng mga pulis ang suspek ngunit, nang kanilang maabutan ay patay na ang suspek.
Sinasabing nabaril ang suspek sa isa sa mga bahay na pinasok nito para makapagtago ngunit, patuloy pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.





Comments